Ako ata.
enchanted kwento
Saturday, April 4, 2009

03.29.09

"Be at the gate at 11am", sabi ni Zyrille. Sya ung may birthday nung araw na yun. Eighteen na sya. Pa-onti onti nawawala ang mga 17 sa barkada ko. Sa tingin mo masaya ako? Haha! Oo naman! Honor kaya ung bunso ka sa grupo. Sa bahay kasi, ako panganay. Pero ayus parin yung treatment sa group. Walang taboo sa usapan. Equal lahat.

Nag-ready na ako kagabi. Jacket pag malamig. Ung susuotin kong shorts kasi alam ko na mababasa ako sa Rio Grande. Extra shirt. Yung shirt ko na Pinoy Pride galing Artwork. Suklay. Bag. Slippers.

Wala ata akong cellphone nun eh.

Napakatalinong bata, nakalimutan mag dala ng extra shorts. Di bale, palagi naman gumagana ung routine eh. Pagkatapos mag Rio Grande, derechong Flying Fiesta para magpatuyo. Ayos rin kasi magkaharap lang sila ata. (3 years na ako di nagEenchanted Kingdom. Grabe.)

So ayun, habang naghihintay ng 11, nagPet Society muna ako. Sabay tulong rin sa chores. Mejo. Excited kasi ako sobra. Hahaha. Nanuod rin ako ng "Marley and Me". Movie siya starring Jennifer Aniston and... agh. Yung guy na "Jedadiah" sa Night at The Museum. Yung maliit. Hindi si Octavius. Tapos dun sa "Marley and Me", ung dog namatay. Huhuhu.

Umakyat si Dad sabi may text daw ako galing kay Adrienne.
"Cat, how are you going to EK?"
"Uh, I haven't texted Alexis yet. S'ya dapat eh."

Yun pala, malapit na si Alexis, Heinz, at Adrienne sa EK. Waa. Nakakahiya. Ayun, so pinick up nila ako dito sa bahay. Hahaha.

On the way to EK, medyo malunkot parin ako dahil dun sa dog na namatay. Binigyan ko si Adrienne ng coffee pagkababa namin ng EK. Meron rin ako. Nag-spill pa nga ung onti sa paa ko. Sayang. Buti hindi ako pusa na ni-lick yung paa ko. Haha. Kung pusa sana. Hahaha.

Ayon, nakita namin si Vya and Ralph, Jempots, and si Jane. Maya-maya, dumating na rin si Zyrille. Tapos kumuha kami ng ticket dun sa may booth. Libre sya.

Ngayon lang namin ni Alexis and Sharelle nalaman na may name pala ung wizard dun sa EK. Si 'Eldar' siya. Dati 'Merlin' tawag ko. Haha. Nahiya tuloy. Hahaha. Ang init dun sa entrance. Hinihintay kasi namin si Myco. Nagpapaganda sya. ;)

So ayun, nag photoshoot kami.




Hindi pinayagan ipasok ung brownies ni Zyrille kaya inubos namin. Pumunta muna kami sa Rio Grande. Wow. Haha. Tama pala ako na sa harap nung Rio Grande yung Flying Fiesta. :)

Pumunta muna kami dun sa kainan. Di ko alam kung ano yung tawag dun. Basta kainan sya. Tapos dun sa may dulo, andun yung para samin.

Merong sign na "Happy Birthday Angela" sa may window.

"Chicken? Chicken? Pork. Pork. Chicken. Pork."
"Ay, hindi. Spoon."


Ops. Ang corny! Hahaha! Ayun. Kumain ako ng Pork Barbeque. Sila Chicken. Masarap! Pero di ko naubos. Kasi (a) busog ako, (b) excited ako sa dessert, (c) wala ako sa mood kumain. Ang desert pala, Vanilla Icecream Cake na may Coffee toppings. San ka pa! So ayun, kinain ko yung toppings. Super saya. Hahaha.

Nag-cr ako. (Haha. Kaylangan ba 'to i-blog?) Basta pagkatapos, sinusundan ko lang sila Adrienne at Jane. Akala ko nauna na si Heinz. Pero hinihintay pala nya ako dun sa may CR. Oops. Hahah. Adrienne kasi. Nakita na nga daw nya eh. *fail* Sorry! DX

(Adrienne was hypnotized by the lady's purple dress. Or so we thought she was.)

So, yung first ride ay ang Rio Grande. Wow. Hahaha. Hindi sumama si Sharelle at si Alexis. Ayaw muna ata nila mabasa.


Nakakatawa ung mga pinapanood sa tv habang nakapila. Hahaha. Tapos, gamit PSP ni Adrienne, nag-video video kami. Ang kulit nung sign na:

"WATCH YOUR HEAD."

Pano kaya un. *tries*

Naghintay si Sharelle dun sa may exit sa taas para kunin ung PSP at yung bag ko. Dun sa pila nag palit na ako ng slippers. Ayon. Nahati kami. Ay-- hindi KAMI nahati. Nagkahiwalay kami. Kasi 7 lang kami. Eh 8 per raft, so si Adrienne, Heinz, Zyrille, Myco, at ako dun sa isang raft. Si Vya, Ralph, Jane, & Jempots (plus dalawang di namin kilala) dun sa isang raft.

Wow. Nabasa shorts ko. Plus, my back. Hahaha. Tapos, ayun-- routine! Flying fiesta! :P

Ayaw naman ni Adrienne sumama. So pinicturan nalang nya kami.

"Do nat poosh or pool other swings."

Haha. Masaya.

Pumunta kami dun sa may lockers para iiwan ung gamit namin. Para hindi hassle.

Pagkatapos nun, nag-arcade kami. Super ultra mega fail ako. Hahahaha.
Wag na natin pag-usapan. :p

Ayon, dun naman kami sa Anchors Awayy. Ayaw ULIT sumali ni Adrienne. :(
Hahahaha. Once lang. Nakapikit pa sya, umiiyak. Naka-kabit kay Jane. LOL. Mga 5 times ata kami sumakay nun. Pa-ulit ulit kami ni Vya, Alexis, Heinz.

Tips para makakuha ng seats sa dulo ng ship:
1. Pumila.
2. Pag nasa unahan ka na, tapos may mga tao na sa upuan na iyong ninanais, mag-hintay lang sa pila.
3. Paunahin yung mga tao sa likod para mag-mukhang mabait.
4. Pagkatapos mapuno, hintayin matapos yung turn nila. Ayun, sure na sa next turn, iyong iyo na yung upuan sa dulo.

O, diba? Hahaha.
May pasigaw sigaw pa kami na parang baliw. Ayos talaga.

Pagkatapos nun, SPACE SHUTTLE.
In my head:
Aaaaaaaahhhhhhh!!!!!!!!!~ *pilit na binubuksan yung mata* AAAAHH! Nakabaliktad ako! AAAAAAAAAAAHH. God, I love my liiiife. Don't make me diiiieeee----*cough*---eee.

...

Ayun lang. :P Cool. Cool. Ayos ng buhok, flip. Smile ulit. Hinga.


Pagkatapos nun, na-ulit nanaman ung Rio Grande. Una sila Alexis. Sobrang tagal. Pagkababa nila, nagphotoshoot kami ni Adrienne dun malapit sa 4D.

Sunod, kaming lahat na. Yehey. :P This time, hindi ako nabasa. T^T
Pagkababa namin, Heinz saw his ex.

LMAO.
Hindi ko nakita.

"Bakit di mo pinakilala?"
Hahaha.

Ayii. Tingnan nyo si Ralph & Vya. LOL. So nagbihis muna sila Adrienne kasi basa sila. Sila Jane, umuwi na...

Kaya nag lakad muna kami. Hindi pa inuupload ni Adrienne ung ibang pictures kaya di ko mapakita ung mga pinagagawa namin.

Eto nalang. Bumili si Heinz ng shake sa may loob na store worth P60. Sa labas, masmalaki binebenta, P35 lang. Kainis diba? Hahahaha.

Pagkabalik nila Adrienne, kumain na kami. Actually, sila lang. Kasi... ayaw ko ulit kumain. (a) Masyadong masaya, (b) nahilo sa sunod-sunod na Anchors Away, (c) napatahimik sa Space Shuttle, (d) hindi kumakain ang basa na pusa.

Joke lang pala ung letter 'c'. Ung 'd' naman, theory lang. ;)

Tapos nanuod kami ng fireworks at nagTarot. Inaattempt ko rin hulaan ung secret text mate ni Alexis. Grrr. Fail.

Sabi nung tarot ni Alexis: "Grab the opportunity. It is the right time."
Secret yung sakin. Baka mapaluha kayo.

After they ate, mga 8:40 na ata yun. So nag last ride na kami sa Pepi's Ferris Wheel. Andun sa pila ulit yung ano ni Heinz. Magulo kami sa pila. Hahahaha.

Gondola #1



Iuupload ko palang yung sobrang astig naming Happy Birthday song para kay Zyrille. Nakay Adrienne pa eh.

Naffeel nyo ba minsan na makakalas yung gondola pag iniikot? Paranoid si Alexis. HAHAHAHA.

"I'm happy that you guys are all here."
Awww~♥

After that.. wala na. Umuwi na kami.
Joke lang. Nagpicture kami sa may fountain. Ang corny wala ako sa picture na to.

Ako nalang kasi nagvolunteer mag-photograph. Baka kasi pag sumali pa ako, umapaw ng kagandahan pa maslalo. OOPS! MAHANGIN! HAHAHA.


Hahaha. Joke lang un no! *pahumble kunyari*
Nag part ways na kami nila Zyrille & Myco sa may gate. Tapos super bangag namin sa Starbucks.

Ibang story na yun.
Nagustuhan nyo ba ung story ko? :)

Hihiga na ako. Ngayon lang ako nagblog ng mahaba na tagalog pa. Tag-lish.
Bakit kaya.

Impluwensya. T^T Hindi ko na to gagawin, ever! HAHAHA. *peace out*

At alam ko, kasama si Nicky sa lahat ng kalokohan namin.
Diba, Twinnee? ;)

Labels: , , , , , ,



th' ladyy~.


Cat Triviño leads this weirdscience experiment.
Join her in her other frenzies:
chat • fb • cm

free web counter
fan(s) viewing.♥



snips.



cutters.

| Potchee | Twinnee | Weener | Lexis | Jacque | Maren | Kay | Ava | Yvan | Bianca | Teoffy| Angieboo | Heinz ♥ |
past cuts.

November 2008 | December 2008 | January 2009 | February 2009 | March 2009 | April 2009 | May 2009 | June 2009 | July 2009 | August 2009 | October 2009 | November 2009 | January 2010 | February 2010 | May 2010 | June 2010 |

love train.


awe'yea.

Designer: Increasingly
Inspiration: doughnutcrazy

Join My Community at MyBloglog!
Canlubanger ako!